Sobrang Manlait Na Nga, Fake News Purveyor Pa!

Dear KaPAB,

Ibat-ibang uri ang mga abogado sa bansa. May abogadong magaling, may abogadong mabait. May abogadong di kagwapuhan, may abogadong sobrang sex appeal.

Recently may abogadong nag fat shame kay Angel Locsin.

Dalawa ang mali sa statement na ito. Una, kailanman hindi tama mag fat shame ng tao. Pangalawa, fake news kasi ang LOBO na palabas ay sa Kapamilya Network at hindi sa GMA.

Magtataka po siguro kayo kung sino po ang may ari ng account na ito. Ang may-ari po ay ang gwapong-gwapo at sobrang tangkad na si Atty. Ferdie Topacio.

Kung gusto niyo po makitang close-up kung gaano siya kagwapo, eto po ang mas malinaw na pic para po sa inyong mga mata.

Matangkad din po siya, mga KaPAB. Mga 4’11 po. Sobrang magalang din kaya nga nilait niya uli si Angel Locsin eh.

Alam natin na may sakit si Angel Locsin, sa likod. Tumataba siya because of her meds but it will not changed the fact na sa bawat sakuna lagi siyang handang tumulong sa bayan.

She has the biggest heart para sa mga nangangailangan. Anuman ang panlalait na gawin ni Atty. Ferdie ” Gwapo” Topacio sa kanya, it will not change the fact na maganda ang puso at buong pagkatao ni Angel Locsin. She’s beautiful inside out.

Period.

Yamot Sa Mga Mapanlait,

PAB