Sinusian Lang Pala Ni Duterte Ang Mga OFW?

Dear OFW,

Ganito kababa ang tingin sa inyo ni President Duterte base sa interpretasyon ni Lorraine Badoy sa Duterte Kiss.

Isa lang kayong sinusususian na parang mga robot. Ang presidente daw ay isang Master na Tagasusi. So ang kaganapang ito ay susi para kayo kiligin.

So ang mga pangyayari ay base pala sa drama lang. Nauto na naman po kayo. Sabi ni Ate Gurl, magaling daw siyang artista.

So since Master Tagasusi ang presidente, sumayaw at kinilig naman kayo, para makalimutan niyo na sobra 20,000 na ang pinapatay dito, ang taas na ng inflation rate, ang bilihin sobrang taas at ang paghihirap ng mga Pilipino dito sa ating bansa.

Kayo ang mga Makabagong Bayani. Hindi kayo mga manika na puwedeng susian lang ng mga kadramahan. Dapat kayong irespeto at hindi lokohin ng kahit na sinong tao, lalong lalo na ng isang taong tinitingala niyo. Kung talagang mahal kayo ng presidente, dapat hindi kayo binabastos. Yung ginawa niyang kabalahuraan makakaapekto yun kung paano kayo titlingnan ng mga amo niyo. Apektado nito lalo na ang kababaihan.

You do not deserve this kind of panloloko.

Hindi Susiang Manyika,

PAB

 

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *