Sinunog si Sass ng Isang Matalinong Netizen

Dear Sass,

Mema ka na naman. Kung ano-ano na naman ang sinasabi mo kay VP Leni.

Atii, may sagot sa yo si Jeff Crisostomo, isang matalinong member ng LGBT community.

MALINAW ANG SAGOT:

1. Noong inihain ang House Bill No. 110 (Anti-Discrimination Bill) ni Dinagat Islands Rep. Kaka Bag-ao noong July 1, 2013, si Vice President Leni Robredo (na noo’y Camarines Sur Representative) ang UNANG-UNANG PUMIRMA BILANG CO-AUTHOR ng panukala. 

2. AKTIBONG DUMADALO si Vice President Leni Robredo sa mga hearing ng Committee on Women and Gender Equality kung saan tinalakay ang bill. Ang litrato ay mula sa isa sa mga committee hearings (February 10, 2015). [See photo]

3. Hindi lang siya co-author ng Anti-Discrimination Bill. Isa rin siyang PRINCIPAL AUTHOR NG COMPREHENSIVE ANTI-DISCRIMINATION BILL (na sumasaklaw sa mas maraming sektor, kasama ang mga LGBTQ+) noong 16th Congress. 

 

4. Naglabas din siya ng MENSAHE NG SUPORTA para sa mga LGBTQ+ persons at para sa Anti-Discrimination Bill noong Bise Presidente na siya kasabay ng Pride Month 2017. WATCH mo, gurl: https://www.facebook.com/AngatBuhayPH/videos/1395969823823336/

5. EH ANO NGAYON KUNG MARAMING BAKLA sa Office of the Vice President?! Marami akong kilala sa kanila. Maliban sa pagiging kasama sa laban para sa pagkakapantay-pantay, hindi sila single-issue advocates. Lumalaban din sila para sa KARAPATANG PANTAO ng BAWAT PILIPINO, anuman ang kasarian. Isa pa, gender profiling ‘yang ginagawa mo– samakatuwid, panghuhusga. Wala kang pinag-iba sa mga bigot.

6. At babalikan ko lang ang mas una mong nasabi: Anong nagawa ng LGBTQ+ supporters ni Vice President Leni Robredo para maglabas ng statement para sa Anti-Discrimination Bill? SAGOT: Wala kaming kailangang gawin dahil malinaw ang suporta niya sa pagkapantay-pantay noon pa man.

SILENT? Wiz, gurl. Nagkamali ka na naman. SIT DOWN AND SHUT UP!

Luh teh, aminin sunog ka no? Kasi namam ang simple lang naman magresearch eh bago kumuda, hindi mo pa nagawa.

Mirese ng Slight,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *