Sinungaling Talaga ‘Tong Spokesperson Ni Duterte

Dear KaPAB,

Eto si Harry Roque, ubod ng sinungaling. Sabi niya yung recommendations daw ni Busy Presidente Leni Robredo ay nagawa na nila.

Nailabas kahapon ang 8 page recommendations ni Busy Presidente Leni Robredo.

Minungkahi ni Busy Presidente Leni Robredo na ayusin ang pagbibigay ng ulat sa Covid19. Bakit nga naman may fresh at late cases pa, pampalito lang yun. Nirekomenda din ni VP Leni kung target na ba ang daily tests na 30,000 or kung may sapat ba na number of contact tracers. Tama ba si Harry na ginawa na nila ang mga recommendation na ito?

Nirekomenda din ni VP Leni Robredo na ma-identify ang mga beneficiaries at kung na-attain ba ang target, or kung may breakdown ba ng nagastos. May nabasa na ba tayong breakdown sa trillions na pondo? Wala pa di ba?

Eto ang pinakamahalaga. Yung transportation na hindi mahihirapan ang mga mamamayan. Ang daming jeepney drivers pa din ang hindi nakakabiyahe. Ang iba namamalimos na sa lansangan. Bukod tanging si Busy Presidente Leni Robredo ang nagbigay ng plano para sa kanila.

Ito ang mahalaga ang tamang ulat at tamang plano. At dapat klaro kung anong agency ang gagawa. Hindi dapat bara-bara tulad ng Balik Probinsiya ni Bong Go. Ayun kumalat ang Covid19 sa buong Pilipinas.

So saan yung sinasabi ni Harry na almost all na nagawa na daw nila? Tse!

Buti pa they should just Let Leni Lead!

Yamot Sa Incompetent,

PAB