Sinungaling si Jay Sonza

Dear Jay Sonza,

Bibabasa niyo pala ang blog ko. Yun nga lang tumatanda kayong paurong. Tinira niyo si Cong. Alejano. You posted this.

First hindi po ako kinuha ni Cong. Gary for his social media campaign. Fake news ka po. I am supporting the guy kasi alam ko ipaglalaban niya ang bansa hindi gaya ng poon mo na si Duterte, na sobrang duwag pagdating sa China.

Yes, ang asawa ni Cong. Gary Alejano ay si Ms. MINERVA TAYAG COJUANGCO. Pero fake news ka na naman, kasi po kaapelyido lang po niya ang mga Cojuangco. Hindi sila related whatsoever.

Sa tingin mo ba kung talagang kabilang si Ms. Minerva sa prominent family, makukulong si Cong. Gary ng pitong taon?

Ang hirap sa yo, hindi ka sanay mag research, nakasanayan mo na ang fake news. Tumatanda kang paurong.

According to my research, ang asawa ni Cong. Gary ay galing sa mga angkan ni Ambrosio Cojuangco or commonly called as Apong Bosyo. Not related to PNoy gaya ng fake news na pinapakalat mo.

Pag Cojuangco, kamag anak agad ni PNoy? Hindi ba puwedeng kaapelyido lang muna?

Tinawag mo si PNoy na abnoy, wow! Naoobserbahan mo ba ang mga pinag gagawa mo? Kung paano puro fake news ang pinagkakalat mo? Na kahit babae na wala namang ginagawa sa yo ay tinitira mo. Sa tingin mo, normal na behavior yan ng isang journalist?

Matagal ng nasa basurahan ang credibility mo. Sadly basura ang iiwan mong legacy sa mundo.

Ikaw ang LAOS na journalist na nagkakalat ngayon ng fake news to stay relevant. Kadiri.

Yamot sa Tumatandang Paurong,

PAB

 

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *