Sino si ‘Dennis Uy’ kay Duterte?

Dear Dennis Uy,

Hi po. Kayo po pala ang isa sa mga campaign contributor ni Pangulong Duterte. Imagine you gave him 30million pesos?!  Wow ang laki po. Pero now sisiw na yan sa inyo kasi balita ko po kayo pala ang nakakuha ng contract sa 300 million worth na project ng PAGCOR!

Ayon sa report, Davao-based businessman Dennis Uy has obtained a provisional license from the state-controlled Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) to develop a $300-million integrated gaming resort in Cebu.

Akalain mo yun, yung binigay niyong tulong bawi agad? At sobra pa sa 2 triple ang tubo.

Balita ko po kasali din po kayo sa negotiation ng loan sa China na worth na $220 million. Sir,  pigilan niyo naman ang President na umutang ng umutang, mukhang close naman kayo eh. Palubog na po ang Pilipinas, kayo-kayo lang po ang yumayaman.

Swerte nga po kayo kasi sa 10th year anniversary of the public listing ng company niyo na Phoenix Petroleum guest of honor niyo si Duterte, yung mga kababayan natin sa Leyte na biktima ng lindol, namuti na lang ang mata sa kahihintay WALANG presidenteng dumating at dumamay sa kanila.

Pag nag-usap po kayo ni President Duterte, pakisabi naman na dalawin niya ang Leyte, kasi po kahit walang perang naiambag ang mga Waray sa kanya, taos puso naman syang binoto. Yung malasakit ipakita naman sana.

Thanks po.

Imbyerna sa ganid sa pera,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *