Sino si Archimedes Trajano?

Dear Imee Marcos,

Balita ko gusto niyo daw tumakbo sa national position. May itatanong po sana ako? Naaalala niyo po ba siya?

Siya po si Archimedes Trajano. Yung nagtanong po sa forum niyo sa Mapua na bakit ikaw ang ini appoint ng Tatay mong diktador? Naalala niyo na po ba? Ayun po sa mga testigo kinidnap ng mga body guard niyo tapos after ilang oras natagpuan syang patay? Naaalala niyo po na ba? Aug. 31, 1977 po yun. Tapos Sept 2, natagpuan ang bangkay niya na puno ng pasa. Pinaniwalaan na tinorture sya sa loob ng 24-36 hours hanggang namatay.

Bakit niyo po pinayagang mangyari iyon? Bakit hindi niyo po pinigilan? Natalo kayo sa civil case sa Hawaii pero sa dami niyong pera, hindi niyo sinunod ang decision ng korte dito sa Pilipinas.

21 years old si Archimedes Trajano nang pinatay. Inamin mo sa US court na alam mong binugbog siya.

Maaring nasa pwesto ka po ngayon and you want to run in a higher position. Pero everytime na makikita kita, maalala ko ang bugbog sarado na mukha ni Trajano.

At laging papasok sa isipan ka? Bakit hindi mo pinigilan ang gumawa sa kanya nito?

#NeverAgain,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *