Kian, Carl Angelo, Sino pa ang Susunod?

Dear Overseas Filipino Workers,

Kung talagang pinapahalagahan kayo ni Duterte sana pati ang mga mahal niyo sa buhay iniingatan niya. Pang ilang anak na ba to ng OFW ang naging biktima, naalala niyo si Raymart Sapio?  Anak ng OFW na may kapansanan na pinatakbo pa bago binaril?

Tapos sumunod si Kian, anak din ng OFW na walang awang pinatay at nakuhanan pa sa CCTV. Nakakalungkot, hindi pa man nalilinawan ang kaso ni Kian, isang biktima na naman ng EJK ang sumunod.  Si Carl Angelo Arnaiz.

Sabi ng Caloocan pulis nangholdap daw at Armed and dangerous, pero ang taxi driver na hinoldap hindi nila maipakita. Pero ayon sa autopsy,

Bagamat walang CCTV pero ang mga ebidensya base sa autopsy ang magpapatunay na isa na namang biktima ng EJK.

Eto po ba ang sinusuportahan niyong pagbabago? Ilagay niyo ang sarili niyo sa position nila.

Ramdamin niyo ang hinaing ng isang ina. Titigan niyo ang luha ng isang ama. Then itanong niyo sa sarili niyo, “paano kung ang mga mahal ko na sa buhay ang sumunod? “.

Nalulungkot para sa Bansa ko,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *