Sino ngayon ang Namumulitika?

Dear Ate Mocha,

Napanood ko tong interview mo sa mga magulang ni Kian.

Para po kayong santa na nagtatanong ha. Daig niyo pa ang maamong tupa. Sinabi mo rin ba sa kanila how your kakulto Sasot, Canete, Bruce assassinated Kian’s character over & over again. At ikaw kung paano mo sinabi na drug courier ang kanilang anak? Eto po ang resibo, hindi mo puwedeng itanggi na isa ka sa mga nambalahura sa alaala ng bata.

Tapos ngayon sasabihin mo may namumulitika? Nakakahiya naman sa picture na to.

Ang plastik mo lang ha, after ng kulto niyong durugin ang pagkatao ng bata tapos pag interview mo para kang maamong tupa. Kadiri ang kaplastikan mo.

Tapos ininsulto mo pa si Father Robert Reyes.

At least si Father may kabuluhan ang pinaglalaban. May paninindigan. Ikaw?  Bukod sa pag create ng fake news at pagiging balahura ano ang puwede mong maipagmalaki sa bansa?

Eto ang masakit na katotohanan, ang mga guro na nagpapakahirap sa pagturo sa mga bata  compared sa yo na nagkakalat ng kasinungalingan.

Let that sink in. Wala kang contribution sa bayan na puwedeng maipagmalaki. Ang masaklap kasi kuba na si Juan sa pagbayad ng buwis, pero sinasayang lang ni Duterte sa pagsweldo sa iyo.

Yamot sa Plastik na Sinungaling,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *