Sino Ang Nagtatakip Kanino?

Dear President Duterte,

Sa simula palang umikot ang administrasyon niyo sa pagsugpo sa droga. Libo-libo na ang namatay dahil dito. Pero nagtataka lang po ako kung bakit niyo binabalewala ang testimony ng dalawang taong empleyado niyo.

Una si PDEA Chief Aquino. Sinabihan na kayo na mayroon ngang P6.8 bilyon na nakalusot sa Bureau of Custom bakit hindi niyo sila pinapaniwalaan?

 

Ngayon may bagong testigong lumabas, si Atty. Lourdes Mangaoang, na magpapatunay may shabu nga ang mga cylinder, pero hindi niyo pa rin pinapaniwalaan.

 

2 tao at isang aso na ang nagpapatunay, pero mas pinili niyong paniwalaan pa din ang sinabi ni Lapena?

Kung talagang seryoso kayo sa kampanya laban sa droga bakit niyo binabalewala ang mga ebidensiyang nakuha?

 

 

Ayan ang nakuhang cylinder noong August 7 na dumaan sa X-ray at napatunayan na may laman yan, ayun mismo sa testimony ni Atty. Lourdes Mangaoang.

 

 

Aug 9- similar lifters were found in Cavite alleged to have 6.8B shabu. 7 Chinese nationals bumisita sa warehouse noong July 13. Drug sniffing dogs reacted same to both filters. Same consignee and packaging. Ayun pa sa testimony ni Atty.  Lourdes pinadalhan kayo ng kopya ng X-ray report.

Ngayon tanong ko lang po, overwhelming na po ang evidence, pero bakit nandiyan pa din si Lapena?

 

Anong meron sa 6.4 bilyon dati kung saan nasangkot ang anak niyo na si Polong, at sa 6.8 bilyon ngayon at parang binabalewala niyo?

Dami niyong kuda about drugs, tapos ngayon deadma kayo?

 

Don’t Me,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *