Sino Ang Mas Dapat Paniwalaan?

Dear President Duterte,

Ang dami niyong drama nitong mga nakaraang araw. Mula noong napabalita na may nakapuslit na P6.8 bilyon na shabu ayun sa PDEA.

Nandiyan ng nagbanta kayong magreresign. May poll na naganap pala, baka gusto niyong sunduin ang hiling ng karamihan.

 

 

Tapos tuloy-tuloy ang atake niyo kay VP Leni. Syempre yung kabalahuraan niyo laban sa simbahan at kababaihan, normal na yun sa inyo.

Pero Lo, hindi namin puwedeng makakalimutan ang paglihis mo ng issue sa 6.8 bilyon na shabu. Parang gaya ito nang pananahimik mo sa 6.4 bilyon na shabu dati kung saan nasangkot ang anak mo na si Polong.

Naamoy na ng mga drug sniffing dogs na may shabu nga ang container, pero hindi ko maintindihan kung bakit may mga pahayag kang ganito.

Mas magaling pa ang pang amoy mo sa aso? Eh yung “whiff of corruption” mo na linya, hindi umubra eh.

Kung totoo ang sinasabi mo na you hate drugs, dapat di ba papaimbestigahan mo? So bakit ikaw na agad ang nagconclude na wala?

Hmmm something fishy ha.

Duda sa Pangamoy ni Bantot,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *