Sino Ang Dapat Sisihin Sa Palubog Na Ekonomiya?

Dear KaPAB,

Ramdam natin ngayon ang pagtaas ng bilihin. Kahit naman DDS alam nilang epekto ito ng TRAIN na minadali ni Duterte.

INFLATION RATE

Ang inflation rate ay sobrang taas. Dulot na ito ng TRAIN. Karagdagang buwis sa oil ay ibig sabihin karagdagang presyo din sa mga bilihin.

 

Base sa infographics ng assortedge, makikita na tumataas talaga ang inflation after ng implementation ng TRAIN. Ilang buwan palang halos hirap na ang taong bayan.

Simplehan natin ang explanation ng inflation. Pag mataas ang inflation mga besh, ang buying capacity ng pera natin ay bumababa.

 

In short konti na lang ang aabutin ng pera niyo sa panahon ng TRAIN ni Duterte.

INVESTMENT

Eto pa ang latest report ng PEZA.

Lahat negative. Ang PEZA ay Philippine Economic Zone Authority eto ang kaakibat ng DTI to help promote investments in the export-oriented manufacturing industry into the country by assisting investors in registering and facilitating their business operation and providing tax incentives. In short the objective is to attract investors by making it easy for them to do business.

Ang problema ngayon dahil sa TRAIN may reductions ng new investment.

Almost half! Kasi nga naman kung ako ang investors maaapektuhan 5 ng TRAIN 2, kung saan babawasan ang incentives na ibibigay sa mga namumuhunan. TRAIN 2 aims to rationalize the incentives. Without it syempre turn off no! Ilagay ko na lang sa Vietnam or China ang negosyo ko kung ganoon.

Tapos sasabihin ni Roque na walang problema sa ekonomiya? Tse! Daming palusot ng Department of Finance kesyo madaming incentives at malaking kita ang nawawala sa kanila, echosera! Bakit may underspending pa din, aber? This fact undermines the case for new taxes. Bakit mo papahirapan ang taong bayan sa TRAIN kung wala ka namang concrete plan sa ekonomiya, aber?

Tapos sasabihin ni Secretary Pernia maghigpit ng sinturon?

Pati nga yata sinturon wala na sa hirap ng buhay eh. Tapos iba naman ang kuda ni Diokno.

Cry baby daw, luh siya subukan mong kumain ng once a day kung hindi ka umiyak. Kung hindi niyo pinagsiksikan yang TRAIN na yan, hindi aabot ang inflation rate sa ganyan kataas.

Kung may dapat sisihin dito ay si Duterte kasi walang planong konkreto sa ekonomiya. Isama na ang mga economic managers niya na the best and the brightest daw. Yun pala the bopols and the palpaks!

 

Yamot sa mga Palpak,

PAB

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *