Sino Ang Dapat Paniwalaan?

Dear Harry Roque,

Huy ayusin niyo ang script niyo diyan sa palasyo. Nag-uusap ba kayo ha? Luh sya, kasasabi palang ni Secretary Pernia na masama nga sa ekonomiya ng bansa ang federalism eh.

Kasi nga ang laki ng gagastusin tapos hirap na ang taong bayan sa TRAIN.

Ayan oh tataas ang gastusin natin eh puro utang na nga tayo ngayon eh. Tapos ikaw namang tao ka ito naman agad ang banat mo para ipagtanggol lang ang poon mo.

Walang effect sa economy? My basis ka ba? Grabe kayo no, kahit expert na ang mga nagsasabi, todo tanggol pa din kayo sa federalism.

Anyare sa iyo Harry? Nauntog ba ulo at bigla kang nagbago ng ganyan? Ginawa mong katatawanan si Secretary Pernia. Puro kayo payaso sa palasyo no? Sala sa init, sala sa lamig. Huy kapakanan ng bayan ang nakataya dito.

Huwag kang malunod sa isang baso ng tubig bes, walang poreber, tandaan mo yan. Grayish na ang amo mo oh. Ikaw din, hmp!

Yamot sa Sipsip na Sinungaling,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *