Sinipa sa SBMA, Nagkakalat na naman sa DILG

Dear Undersecretary Martin Diño,

Bilib talaga ako sa lakas niyo sa presidente. Biruin mo kahit nalaman niya na may 16 kayong bodyguard dati sa SBMA, binigyan niya uli kayo ng bagong trabaho.

Pakapalan lang talaga ang peg. Syempre pabibo ka kaagad. Kabago bago mo sa DILG may mga panukala ka na hindi naayun sa batas. Resibo.

Ayan na naman ang list na yan. Pinipilit mong magsubmit ang barangay officials, para ano? Para guide to tokhang?

Well, hindi ka uubra kay General Año. Kasi matinong tao yan. Hindi sya papayag na walang due process. Resibo.

Sana lang wag kayong pabibo. Alam ko malaki utang na loob ni Duterte sa yo kasi kasali ka doon sa drama na atras abante na pagtakbo. Kaya kahit maraming alegasyon at umaalingasaw ang amoy, barado ang ilong ni Duterte sa mga tsismis sa yo.

Seryoso? 16 bodyguards mo? Bakit presidente ka, Kyah? Nasa gobyerno na nga anak mo na si Lisa Diño pati ang partner niya na si Aiza, tapos naghira ka pa ng 16 bodyguards? Aba, matinde!

Yamot sa Makapal ang Mukha,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *