Single Hindi na Puwede sa EDSA

Dear MMDA,

Wala na po talaga kayong maisip na solusyon sa trapiko? Talagang pinag-isipan niyo na to?

May problema ba kayo sa mga single Kyah? Hindi niyo man lang naisip ang mga maapektuhan nito?

1. Paano kung single parent lang at hinatid ang anak sa school? Ibig niyong sabihin pagbalik niya hindi na puwedeng dumaan sa EDSA?

2. Paano yung mga single na may kotse at hindi kayang magpasweldo ng driver? Ibig sabihin ipagkakait niyo sa kanila ang pagdaan sa EDSA?

3. Mga medical practitioner na nagmamadali kasi emergency kailangan maghanap muna ng kasama para lang makadaan ng EDSA?

4. Yung mga single mapipilitan nilang sagutin ang manliligaw nila, kahit hindi nila mahal para makadaan lang sa EDSA? Yung bago niyong panukala ay makakasakit ng iba. Hindi niyo ba naisip yun?

Sige pag hinuli sila ano ilalagay niyo sa violations ticket nila?

Parang timang lang di ba?

At saka mag-usap kayo ng LTFRB ha.

Di ba? Walang pupuntahan ang mga tao sa inyo eh.

Baka gusto niyo pang mag-isip ng iba pang solusyon, nakakahiya naman sa mga tax payers eh.

Yamot sa mga Tamad,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *