Sinagot Ni Senator Trillanes Ang Alegasyon Ni Atty. Sabio

Dear KaPAB,

Siguro gaya niyo nagulat din kayo sa pagbaliktad ni Atty. Sabio no? Napanood ko yung video interview niya. At nabasa ko din sa news website.

 

 

Una kong inisip ano ang dahilan? Nang mabasa ko ang 700k na di umano na utang  ni Senator Trillanes sa kanya kasi nag abogado siya kay Matobato at sa ICC.

Akala ko dati probono ang pag abogado niya. Hindi pala. Tapos marami siyang sinabi na paninira kay SenTri. Kumagat agad si Calida at gusto siyang ipasok na witness. Tinanggihan ito ng DOJ.

 

 

Wala ding saysay ang pagbaliktad niya.

Pero sumagot si Senator Trillanes sa kanyang mga paratang.

 

Late 2016 tinatanggap na siya pala ng ganoon kalaking halaga na tulong buwan-buwan. Mabuti pa siya. Pero sa kabila ng tulong at binigyan din naman siya ng warning na mapuputol na kasi nga di na kakayanin kasi tapos na Ang term ni Senator.

 

 

Pero ang kapalit ay pagmumura at kakulangan sa pang unawa. Nakakalungkot lang, kasi dahil sa pera lang nakalimutan na ang tunay na pinaglalaban.

At least ngayon both sides na ang nalaman natin.

 

Nalulungkot,

PAB

P.S.  Siguro nakangiti ngayon si Panelo at ang ibang alipores ni Duterte. 🙄🙄🙄

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *