Simplehan Lang Natin, Mocha Uson

Dear Mocha Uson,

Siguro nagtataka ka ngayon kung bakit ang daming nagalit sa yo sa ginawa mong video kung saan binastos mo si Ninoy. Explain ko sa yo ha.

Una, yung halik ni Ninoy, hindi siya ang nag initiate at kitang kita mo sa awkwardness sa mukha ni Ninoy.  At isa pa, while nangyayari iyun ang nasa isip ni Ninoy ay ang asawa niya.

Pangalawa, hindi ginamit ni Ninoy ang position niya diyan para maka iskor sa kababaihan.

Pangatlo, ang video na pinili mo ay ang nagpapaalala sa mga Pilipino ang kadiliman noong panahon ng mga Marcos.

Pang-apat nambastos ka ng pamilya. Paano kung gawin sa Tatay mo ang ginawa mo sa kay Ninoy? Matutuwa ka ba? Kung gawan ng video kunwari corrupt ang tatay mong namatay, matutuwa ka ba?

Sa panig naman ni Duterte, una presidente siya, alam niya na may asawa ang Pilipina, siya ang humiling na halikan siya sa lips. Noong halik na yun, naalala niya ba si Honeylet?  For sure ni sa guni-guni hindi.

Pangalawa, bilang isang presidente, dapat isa sana siyang magandang halimbawa, ang ginawa niya ay isang kahihiyan sa bansa.

Sinimplehan ko na, baka sakaling pumasok sa utak mo. At baka sakali na lang na next time ginawan ka ng video, pag iisipan mo muna bago magpost. Kaya tayo may utak teh, para mag-isip. Gamitin mo din kahit paminsan-minsan.

Hindi ako naniniwala na bobo ka, kasi nag-aral ka eh. Lagi mo lang pinagmumukhang tanga ang sarili mo sa kakasunod mo sa utos ng pamilya ni “Babalina”. Bigyan mo ng respeto ang sarili mo.

Naaawa Din Naman,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *