Sign Free Education Bill Now!

Dear DDS, Dilawan and Neutral,

Last night ng malaman ko na yung free education ni Duterte ay wala na sa 2018 naaawa ako sa mga taong gustong mag aral pero wala lang financial capacity para mag aral.

Then nag research ako, apparently there is a bill that can solve this problem. “The Universal Access to Quality Tertiary Education Act” which is sponsored and co-authored by Senator Bam Aquino. Ang layunin ng bill na to is to provide free tertiary  education for Filipino students. Sa mga State University, ang mga estudyante ay hindi na magbabayad ng tuition fee, miscellaneous fee and other fees.  Sa mga private schools naman may available na student loan program and the Tertiary Education Subsidy.

The Bill was ratified by the House of Representatives and the Senate last May 30, 2017. For signature na lang ni Duterte. He have 60 days to sign or veto the bill or else the bill will lapse into a law.

The good thing about this bill hindi pahirapan ang requirements. Kailangan lang:

  • Filipino citizen ka.
  • Pass the admission and retention requirements ng school
  • Enroll in an undergraduate degree.
  • Have no failed subjects.

Once this bill will be signed by Duterte,  the funding will be a part of the General Appropriation Act or the annual government budget.

State University will collect the tuition fees and other fees from the CHED.

Maganda ang bill na to ni Senator Bam Aquino.  This will institutionalized the free tertiary education for all Filipinos. Maraming salamat po Senator Bam. 

Kung seryoso talaga si President Duterte na iangat ang kalagayan ng mga mahihirap, eto dapat ang pirmahan at pondohan niya. Edukasyon at hindi tokhang ang solusyon.

Besides puwede niyang bawasan ang pondo ng Office ni Martin Andanar. Ang laki ng pondo palpak naman ang ginagawa. Or bawasan ang pagtravel kasama ang sandamakmak na tsuwariwariwap. Yung mga reward sa mga nangtotokhang puwede ding bawasan. Ang intelligence fund ng Senate at House of Representatives, bilyones yun, puwede din bawasan, mukhang nasasayang naman yun minsan . Ang daming puwedeng mapagkukunan ng pondo kung gugustuhin. May kasabihan na “Pag gusto, maraming paraan, pag ayaw maraming dahilan.”

Sign the Free Tuition bill now, Mr. President! 

Nakikibaka para sa Bayan,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *