Si Pilo Sa Mata Ni Nanay Lydia

Dear KaPAB,

May hihigit pa ba sa pagmamahal ng isang ina?

“Anakko,

Tuwing titingnan kita, bumabalik me sa pakiramdam na nanliliit noong bata pa kayo ni Alex at Ewing.

Nakita namin na hirap na hirap ka ngayng kampanya. Ilang bwan me iniisip na mas madali sana ang laban mo kung galing ka sa mas may kayang pamilya, at kung kami ni tatay ay may mas mataas na estado sa lipunan.

Kaya sana naming mag-ambag sa gastos. Tuwing sasabihin mong hindi mo kayang mag-ads sa tv, nadudurog ang puso namin ni tatay, kasi para na naman itong sapatos, damit, o libro na hndi naming mabili para sa iyo.

 

Pero twing titingnan kita, nasasabi ko sa sarili ko na tama ang pagpapalaki namin sa iyo. Kahit minsan, hindi ka nasilaw sa pera, hindi k nanlamang ng kapwa, at hindi ka ngpagamit kahit kanino. Salat tayo sa pera, pero pinuno mo ng prinsipiyo ang buhay mo. Mahirap tayo, pero hindi ka lumaking pariwara at oportunista.

Alam kong naiinis ka pag sumasama ako sa kampanya at nabibilad sa initan, pero saan ka ba magmamana ng tigas ng bungo kung hindi sa akin?

Ikinakampanya kita sa palengke, sa mga tindahan, at kahit saan hndi dahil anak kita, kundi dahil alam mo ang kalam ng sikmura ng mga ordinaryong Pilipino.

Anakko, matalino ka, pero mas mahalaga na ikaw ay hindi binago ng mga achievements mo. Hindi mo pinaramdam sa amin ni tatay na maliliit kaming tao. Hindi mo kami sinumbatan sa lahat ng paghihirap natin.

Salamat, anak. Kaht anong mangyari sa eleksyon, proud kami ni tatay sa iyo. Ikaw ang Senador na kailangan ng mahihirap, maliliit, at ordinaryong mga taong kagaya namin.”

HAPPY MOTHERS DAY sa inyong lahat mga KaPAB!

Isang Supporter,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *