Si Pilo At Ang Marawi Ground Zero

Dear KaPAB,

Nagkaroon ng pagkakataon si Atty. Pilo Hilbay. Eto ang kanyang karanasan.

Ilang beses ko nang nabanggit kay Agot na may mga araw na ang bigat ng kampanya. Kapag nakausap mo ang mga tao sa baba at malaman ang problema nila, parang iyong mga pinoproblema natin ay napakababaw kumpara sa kanilang pagdurusa.

 

 

Kaya kagabi, lumipad siya papuntang CDO. Sinamahan niya ako ngayon sa Marawi upang dalawin ang Most Affected Area (aka Ground Zero) at para makausap ang mga komunidad ng bakwit sa lugar.

 

Maraming nagkuwento ng mga hinaing – ang mga rasyon na binibigay sa kanila ay bulok na pagkain, sawa na sila sa sardinas, may discrepancy sa pinangakong tulong at halagang natatanggap nila.

Our team dedicated 7 days to go around Mindanao. Hindi iyon sapat, at alam kong kailangang bumalik.

Maraming events ang tahimik lang, dahil gusto nating magbabad at makipag-usap sa mga komunidad. Alam kong nasa kampanya tayo, pero naniniwala ako na ang kampanyang nakasentro sa pagbabalik ng dignidad sa tao ay isang kampanyang handang manahimik upang magkaroon ng boses ang mga pinatahimik ng sistema.

#37PiloHilbay
#HilbaySaSenado ☝️

Nasaan na nga ba ang Marawi Funds?

Nakikiramay sa mga Taga-Marawi,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *