Si Jinggoy Estrada At Ang Basura Ng Maynila

Dear KaPAB,

Napansin niyo ba na, maraming basurang laging naka kalat sa Manila? Dahilan nang konting ulan lang, baha agad.

I came across to this article a few days ago.

 

Akalain mo yung, pinag-aagawan daw ang kontrata sa basura? Sabi ng article, si Jinggoy Estrada daw ang pumili ng company na maghahakot ng basura ayun kay Laarni Enriquez.

 

 

At hindi lang kontrata sa basura ang pinag-uusapan daw, ayun pa sa article. May iba pang kontrata. Ang alam ko bawal yun di ba? Yung papasok ng kontrata tapos kamag-anak  mo ang approving officer?

Ang masaklap pa nito habang nag-aaway sila ang nasasakripisyo ay ang mga taga-Maynila.

 

 

So, kung may nakita kayong tambak na toxic waste materials galing sa hospital ng Sampaloc, puntahan niyo si Jinggoy Estrada at kulitin, kasi ayun sa article sinabi umano ni Jenica na binabalewala daw ito ni Jinggoy. Hindi ako nainform basurero na pala ang trabaho niya.

Sana lang kung nag-aaway silang pamilya sa mga kontrata, hakutin muna ang basura at linisin ang Maynila. Hmp!

Hay naku, may mga tao talagang hindi natututo.

 

Yamot sa mga Basurang Pagkatao,

PAB

P.S. Source:

http://www.bomboradyo.com/dahil-sa-basura-iba-pang-kontrata-banggaang-jinggoy-estrada-laarni-enriquez-sa-maynila-lumalala/

 

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *