Si Jinggoy At Ang Pilipinas

Dear KaPAB,

Minsan feeling ko masokista ang Pilipinas. Pasok pa din si Jinggoy sa survey? Yung totoo? Ilang beses ba kailangan masaktan tayo, bago pumili ng karapat-dapat?

PLUNDER 1

 

 

18 years naaresto siya sa kasong plunder. Napardon ang ama niya na si Erap, napawalang sala.

Mabilis magpatawad ang mga Pinoy, kumandidato si Jinggoy, nanalo naging senador pa.

Pero naulit na naman ang kasong plunder, this time pork barrel scam kasama si Napoles.

 

Ilang milyon na naman ang involved. 

 

P183,000,000.00.

Ilang street children na kaya ang mapapakain ng perang yan?

Ilang silid-aralan na kaya ang maipapatayo?

Ilang cancer patients ang puwedeng ipagamot?

Ayokong isipin na sobrang tanga na ng Pinoy at magpapaloko uli to sa pangatlong pagkakataon.

Hindi tayo bobo. Hindi tayo tanga. Dapat pumili tayo ng tama sa Mayo 13.

 

Ayaw sa Magnanakaw,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *