Si Duterte, Si Duque at Ang Vaccine

Dear KaPAB,

Naalala niyo ba yung mga panahon na ayaw mag impliment ng ban si Duque ng mga travellers galing China? Kasi masasaktan daw ang feelings ng China. Palpak na siya noong time na yun. Pero di pa din binitawan ni Duterte.

Yung pinagsasabihan na siya na kailangan ng “mass testing” para ma-contain ang virus ano sabi ni Duque noon?

Iniba niya ang meaning ng mass testing para majustify ang kanyang kapalpakan. Hindi pa din siya binitiwan ni Duterte.

Yung lumabas ang isyu ng 15 bilyon na corruption sa Philhealth at nabanggit ang pangalan ni Duque sa kaso, deadma pa din si Duterte.

Noong lumabas ang isyu sa overpriced PPE, bulag, pipi at bingo pa din si Duterte pagdating kay Duque.

Kahapon, lumabas na ang isyu ng dahil sa kapalpakan ni Duque nawala ang 10 million vaccine na dapat sana sa Pilipinas mapupunta.

Sabi ni Senator Lacson:

“A single document that DOH Sec. Duque failed to submit was cause of PH missing out on chance to acquire 10M doses of Pfizer vaccine as early as January, an opportunity that went to Singapore. Negotiations started in July.”

Eto ang exchange of message with DJ Yap of Inquirer.

Ngayon aasa tayo sa China vaccine na di pa tapos ang phase 3 trial.

Ito ay isang malaking negligence sa rehimeng Duterte. Pero magtataka ka, sa kaliwa’t kanang kapalpakan ni Duque, bakit di siya mabitaw- bitawan ni Duterte?

Anong meron?

Yamot sa mga Incompetent,

PAB