Si Duterte, Si Dominguez At Ang Dam

Dear President Duterte,

Magkalinawan nga tayo. Gusto mo ba talagang ilibing sa utang ang Pilipinas? Bakit niyo tinanggihan ang Japan samantala mas maganda ang offer niya kaysa China?

 

Sa Japan wala tayong gagastusin kahit piso, pero ang China may counterpart tayo na 15%. Yung sa Japan $410 million lang samantala sa China doble na $800 million na nga, madami pang madidisplace na katutubo kasi ang sasakupin mula Tanay hanggang Infanta Quezon.

Sabi ng MWSS done deal na pala to eh.

Ano to? Ang gusto ng hari hindi nababali kahit ang nasasakupan niya ang mahihiraman?

Sabi ni Sir Neri Colmenares may consultancy fee daw ito na 44 billion, pakitanong nga kay Secretary Dominguez kung totoo at sino ang nakinabang dito?

Sa kagustuhan niyong maplease ang China, kahit ilubog niyo ang bansa sa utang, ok lang sa inyo.

Huy maawa ka sa bansa.

 

Yamot Sa Mga Gahaman,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *