Si Bong Go at Ang Kanyang Kampanya

Dear Bong Go,

Alam ko na may mga kadramahan ka na kunwari hindi ka tatakbo pero nagkakalat ang mga campaign materials mo sa buong Pilipinas.

May nagsulat sa inbox ko kung paano mo ginagamit ang pondo ng bayan sa pangangampanya.

Ang kapal niyo naman po, gastos ng DILG tapos ginagamit niyo sa paglilibot? Seriously 1500 cash? Ayan po ang picture ng envelope with your T-shirt oh.

Grabe po kayo, hindi na kayo nahiya, na ang mga tao hirap na hirap na sa TRAIN, pero kayo ginagamit niyo ang pera ng bayan para mangampanya?

 

Anong klaseng tao kayo? Kung kakandidato ka, bakit hindi ka na lang magresign, para hindi mo nagagamit ang pondo ng bayan sa paglilibot mo.

 

Kitang kita ang ebidensya, sana tubuan ka ng kahihiyan. Kanda kuba na si Juan sa paghahanap buhay para makabayad ng buwis, pero ikaw ginagamit naman ang pera ng bayan na walang pakundangan para lang makakampanya?

1500×4,000 = P 6,000,000.00. So kaninong pera to? Grabe ka!

Hindi ka karapat-dapat maging Senador.

Yamot sa Mapagsamantala sa Pera ng Bayan,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *