Si Asyong Aksaya ka ba, Mr. President?

Dear President Duterte,

Ang sitwasyon ng bansa natin ay lalong lumobo ang deficit di ba? Siguro para naman makatulong kayo, baka gusto niyong pumirme ng lugar.

Undersecretary Lorraine Badoy-Partosa describe kung paano niyo ginagasta ang pera ng bayan.

Ganito niyo winawaldas ang pera ng bayan? Magkano ang travel niyo weekly? Sa pag uwi ng Davao? 400-500k? Kung apat na beses kang uuwi sa isang buwan, aabot yan ng P2,000,000.00. Sa isang taon, P24,000,000.00. Ang Laking pera niyan na puwede sana maigawa ng project sa mga nasa laylayan.

Hindi nakakatuwa na para niyong ginawang Uber ang Presidential plane kasi ang bayad sa Uber hundreds lang. Yang eroplano, milyon ang expenses diyan every balikan.

Hindi ba kayo naaawa sa taong bayan? Pinapasan nila ang Duterte TRAIN law, tapos yung pera ng bayan ginagastos niyo lang sa mga byahe niyo out of kapritso?

Hirap sa pagtitipid ang mga maybahay sa pamamalengke kasi sobrang taas ang bilihin, tapos ang mga empleyado mo ginawa lang Quiapo-Manila ang Davao-Manila-China?

Kakahiya naman kay Aling Simang na tipid na tipid sa pagkain habang nagtitinda ng basahan sa kalye no?

Huy, hindi mo pera yan. Pera ng bayan yan. Tubuan ka naman ng hiya, kahit slight lang. Hmp.

Yamot sa mga Waldas,

PAB

 

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *