So, si Agot Isidro naman Ngayon?

Dear DDS Trolls,

After ng fake news kay Chairman Andy Bautista, ngayon binabalikan niyo na naman si Ms. Agot Isidro. Luh, grabe sila oh, walang katapusang pamemeke. Eto ang fake news niyo.

 

Hindi ko na nilagay ang link kasi magkakaroon pa kayo ng engagement sa peke niyong blog.  Paano mapupunta si Ms. Agot Isidro on that date sa Boracay, eh maghapon syang nanood ng Cinemalaya.

Eto po oh, sa Instagram niya po oh.

Pinag-iinitan niyo si Ms. Agot kasi sya tinawag niya ang Poon niyo na Psychopath,  e sa nangyayari sa bansa natin ngayon mukhang totoo naman. So, #TamaPalaSiAgot.

Sandamakmak mang fake news ang gawin niyo sa mga taong kumukontra sa Poon niyo, truth will always finds its way. Besides, you can never put a good woman down.

Tubuan sana ng sangkaterbang korikong  sa puwet  ang mga gumagawa at nagkakalat ng fake news!

Kalaban ng Fake News,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *