She Found Her Voice!

Dear Senator Grace Poe,

Huli man daw at magaling naihahabol din. Very good po kayo sa statement niyo po kahapon. Resibo.

Salamat po sa pagtatanggol niyo po sa malayang pamamahayag. Salamat din po at hindi kayo nagpadala sa pambobola ng mga “influencer”. Siguro po, by now alam niyo na po kung sino po talaga ang fake news.

Tatandaan ko po itong sinabi niyo ha, na “criticism is necessary if we want an open and honest government”.

Ipagpatuloy niyo lang po ang pagiging fair sa lahat ng ginagawa niyo. Huwag kayong magpadala sa mga taong ang katapatan ay nasa pinuno at hindi sa konstitusyon. Bayan muna, bago sarili dapat.

Humahanga ng Slight,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *