Seryoso kayo Atty. Delgra?

Dear Atty. Delgra,

Grabe ang pahirap niyo sa aming mga commuters. Pinatigil niyo ang Uber. Tapos magbibigay kayo ng fine na sobra2x. Bakit po ang taxi operators ang dami na namang violation na nagawa hindi niyo man lang naparusahan?

190 million fine?  Ang swapang lang ha. Sa tingin niyo magbabayad ng ganyan kalaki si Uber eh they serve 12 days na sa suspension, what is 18 days to wait kaysa magbayad ng fine na sinasabi niyo. Excessive fines na po yan. Kaswapangan.

Tapos hindi niyo na nga masolve ang traffic magdadagdag pa kayo ng taxi units.

Luh, grabe sila mag isip ng solution sa problema oh. Eto pa ang solution niyo sa pasaway na mga taxi drivers.

Parang binibigyan niyo sila ng premyo sa pagpapasaway eh. Pro commuter ba kayo or pro taxi operators?

Sa lahat ng plano niyo ang lugi dito ay commuters. Alam kong taga Davao kayo, pero iba ang Manila sa Davao.

Haist naku, sana maflat ang sasakyan niyo habang umuulan at maranasan niyong tanggihan ng mga taxi drivers ng ilang beses. Baka na lang maramdaman niyo ang hirap nararamdaman ng mga commuters.

Galit sa mga Pahirap sa Bayan,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *