Seriously, Usec. Kat de Castro?

Dear Undersecretary Kat de Castro,

Hindi ko po alam kung nanood kayo ng hearing or nakipagsabayan lang kayo sa mga troll to defend Polong Duterte. This is your post.

Parang may COMPREHENSION PROBLEM po kayo. Bakit po sabi niyo na may discrimination na ginawa si Trillanes sa mga may tattoo?  Si Polong ang nililitis dun kasi sya ang namention sa hearing, hindi ikaw po. Wag kayong makisawsaw, kasi walang sinabi dun pag may tattoo member na ng triad.

Yung style niyo po bulok eh. Nagsisinungaling kayo na may discrimination para malihis ang isyu sa tattoo ni Polong.

At saka ano naman kung 12 ang tattoo mo, kung sinungaling ka naman.

Lahat kayong tagapagtanggol ni Duterte nagsilabasan ng tattoo to mock the allegations. Alam niyo kung bakit nalalabas niyo yan, kasi wala kayong kasalanan. Alam niyo na di kayo member ng Triad. Bakit si Polong hindi niya mailabas? Aber?

Oh ano, bumalik sa inyo ang mga gimik niyo no?

Ms. Kat, dati may sense ka naman eh, ngayon konti na lang ang lamang sa yo ni Mocha sa pagsisinungaling.

I will not body shame you like what others did. Gusto ko lang punahin ang pagsisinungaling mo. Kasi government official, tax ng bayan ang sinasahod mo, so dapat sana totoo lang ang sasabihin mo. Pero sa katatabi mo siguro kay Ate Mocha, nahawa ka na din.

Alam mo sa sarili mo na mali ang sinabi mo kasi you deleted it. Kung magtatanggol ka sa Poon mo, do it in a way na di ka nagmumukhang tanga.

Yamot sa Memang Sinungaling,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *