I Stand with CJ Sereno

Dear KaPAB,

Sabay sabay naging pagdiskusyunan ang impeachment case filed by Larry Gadon.

But first kilalanin natin muna si Larry Gadon.

– Kumandidato pagka senador, obviously natalo.

– eto ang nagsabi na genocide ang solusyon sa problema sa Mindanao, at patayin ang mga Nanay pati ang mga bata para burahin ang lahi. Resibo.

Eto rin ang nagmura kay VP Leni Robredo. Resibo.

Member si Kuya Wierdo ng VACC. The same group na tahimik sa EJK puro sumakay sa issue ng Mamasapano at kay Kian. Kasamahan niya si Paras na tsuwariwariwap ni Secretary Aguirre. Yung may 40 font size na text?  😂😂😂

Now, let us tackle yung Moro Morong impeachment filed by Mr. Genocide of Mindanao. Simplehan lang natin mga bes, hindi naman ako kasi abogado.

GADON: “An applicant to any position in the judiciary with a grade of 4 is unfit for the job.” Citing a report from Manila Times, Gadon said Sereno got a 4 out of 5 grade in her psychological examination when she applied for the SC.

PAB : Luh wala namang ganung rule sa JBC. At kung sakali man 4 out of 5 ang score, impeacheable offense ba yun?

Ang iba nga kahit asal psychopath nandiyan pa rin eh. Sana unahin yun iimpeach ni Atty. “Genocide” di ba?

GADON: Sereno committed culpable violation of the Constitution when she falsified a resolution in 2012 reviving the Regional Court Administration Office in Region 7 or RCAO 7.

PAB: Eto simplehan ko lang din. May existing resolution na nung 2006. Yung naissue na kasunod na resolution hindi corrective yun kung hindi ibang documents yun altogether. As the report said

The resolution was meant to address the concerns raised by some members of the court regarding the problems encountered during the pilot testing of RCAO.”

Nagtataka lang ako ayaw pala ni Atty. na nagsisinungaling, pero dikit dikit sa Presidente na sinungaling. Duh.

GADON: Sereno “tampered with and altered the contents of the draft temporary restraining order (TRO) sent by Justice de Castro.” Gadon is referring to the SC’s TRO on party-list proclamations during the 2013 elections as a response to the petition of disqualified Coalition of Association of Senior Citizens party-list.

PAB: According to reports, “because the petition was filed during recess, SC internal rules authorized the Chief Justice to act on urgent cases such as those pleading for a TRO. Therefore, she said, she was within her power to issue a TRO.”

Luh, paano niya itatampered at babaguhin ang resolution na sya ang may gawa?

Kung binago man yun kasi nga nireview ,kasi di ba recess yun nafile?

GADON: It was another culpable violation of the Constitution when Sereno allegedly falsified an SC resolution which directed Executive Secretary Salvador Medialdea to submit complaint affidavits against 4 trial court judges allegedly involved in the drug trade.

PAB: Atty. “Genocide”,  may draft form po at may signed form. Yung sinasabi mo na may directive order, draft palang po yun.

Pero ang signed form po,  signed by the justices, wala na pong detective order yun. So ang dapat mong iconsider ang may pirma. Sabi mo pa fake news, pero wiling wili ka naman makipag associate sa administrasyong nabubuhay sa fake news. Tse!

Eto ang pinaka controversial sa impeachment kuno.

GADON: Sereno did not truthfully disclose her earnings from defending – and then winning – a government arbitration case against Philippine International Air Terminals Co. Inc. (Piatco) in her Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN). This amounted to P37 million.

PAB: Question, kailan ba natanggap ang pera ni CJ Sereno? Natanggap niya to from 2004-2009.

Second Question : Kailan naappoint si CJ Sereno as Chief Justice? Hindi ba 2010?

So kung may common sense lang ang nagfile ng moro morong impeachment na to, ibig mong sabihin, walang ginastos from 2004 at 2009 ang pamilya ni CJ Sereno para sa SALN niya ng 2010, buo pa din ang 39 million?

Luh sya, kabobo lang. Besides may bawas pa yun ng tax na binigay sa kanya for sure.

Hay naku hindi ko na binasa ang iba pang pinagmamarakulyo ni Gadon sa impeachment.

Feeling ko hinaharass lang nila si CJ Sereno, kasi hindi nila maipasok sa bulsa nila. 3 branch ng government. Executive, Legislative at Judiciary. Since may super majority na sa legislative, led by Speaker Alvarez and Senate President Koko Pimentel, gusto nilang sakupin ang judiciary. Para wala nang check and balance ang Pilipinas. Lahat ng sasabihin ni Digong susundin kahit mali.

Martial Law, in a different way.

Sa puntong ito, I stand with CJ Sereno. Wag nating hayaan mawala ang demokrasya na matagal nating pinaghirapan.

Unless may magresign, maimpeach or may mamatay, patungo,  ang Pilipinas sa madilim na daan.

Patuloy na Magmamatyag,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *