Serbisyong Leni Robredo

Dear Vice President Leni Robredo,

First, gusto ko pong magpasalamat for leading the opposition. Nginig agad ang mga trolls ng palasyo, araw-araw kayong binabanatan. Masaya po ako na hindi po kayo nagpatinag, pinagpatuloy niyo pa din ang trabaho niyo.

Kanina po nabasa ko po sa twitter na pumunta po pala kayo sa Marawi.

Turn over pala ng 60 units na pabahay para  sa mga pamilyang nadisplace po ng giyera sa Marawi. OVP through Angat Buhay program at sa tulong ng mga private donors ang siyang dahilan kung bakit naging matagumpay ang proyektong ito.

Fake news talaga si President Duterte sa pagtawag po sa inyong “incompetent”. Kasi nakikita ng taong bayan ngayon kung sino po talaga ang tunay na nagtatrabaho para sa kanila.

Salamat po VP Leni sa serbisyong binigay niyo sa bawat Pilipino.  Ilang Mocha Uson, Sasot at Thinking Pinoy ang manira po sa inyo, pero hindi nila matatabunan ang mga proyekto at tulong na binigay niyo sa mga taong nasa laylayan ng lipunan.

Padayon Vice President Leni Robredo!

Lubos na Gumagalang,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *