Senator Trillanes, Biktima na naman ng Fake News

Dear Thinking Pinoy,

Meron kang isang milyon na followers, sana man lang gawin mong ugali ang magpost ng tamang impormasyon. You posted this about Senator Trillanes.

Walang source, may alam ka pang “feeling surprised”. Since ayaw mong ilagay ang source or tamad kang mag research ako na lang ang nagresearch for you. Ang article pala ay galing sa satire site. Resibo.

Ang site na to ay “satire site”. Ano nga ba ang “satire”? Resibo.

Ang adobo chronicles ay satire site, in fact may disclaimer pa sila. Resibo.

Ayan, pag regular font daw, hindi totoo, pag italics font yun ang totoo. Sa susunod na gawin mo silang source, ipost mo din ang disclaimer nila.

Sana man lang bago ka nagpost binanggit mo na galing sa satire site ang impormasyon mo.

Ang Pilipino ngayon nabiktima din ng fake news na yan. Resibo.

Pero nang malaman nila na fake, link is no longer available. Resibo.

Sana itama mo din ang post mo. Nakakahiya kasi di ba?

Nagagalit kayong sabihan na mga fake news, tapos post nang post naman kayo ng fake news na ganito.

Sa totoo lang tayo, sa bawat fake news na post niyo, katumbas yan ng panlolokong ginagawa niyo sa 1 million followers niyo. Tse!

Kalaban ng Fake News,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *