Senator Risa Hontiveros, Biktima na Naman ng Fake News

Dear KaPAB,

May bago na namang page sa FB na nagkakalat ng fake news.

Ginaya nila ang ANC 24/7 pero kung mapapansin niyo, ang cover photo ay Saksi ng GMA 7.

Eto ang page na nagpakalat ng fake news about Senator Risa Hontiveros. Na nag walk out daw ang mga estudyante sa forum sa National University noong dumating si Senator Risa.

Kung titingnan mo parang totoo kasi ginaya nila ang FB page ng ANC. Pero ang totoo fake news pala.

Nag isyu na ng statement ang National University.

Sa mga panahong kumakalat ang fake news, tulong tulong tayo sa pagsugpo. Kung may makita kayo na mga mahal sa buhay sharing this “walk out” fake news about Senator Risa, resibuhan niyo agad and politely tell them na fake news.

Tuloy ang Laban Against Fake News,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *