Senator Delima, Bilang Isang Anak Na Nakikiusap

Dear KaPAB,

Si Senator Delima, nakulong dahil sa trump up charges. Yung mga testigo mga convicted felon. Naalala niyo noong hiniling niya na sana maka attend siya sa graduation ng anak niya at hindi siya pinagbigyan?

Tiniis niya lahat yun. Samantala si Ampatuan na nahaharap sa kasong pagpatay sa 58 na mediamen and civilians pinayagan umattend sa wedding ng anak sa Sofitel.

 

 

Ngayon muli na namang kumakatok si Senator Delima sa pinto ng ating hustisya. Masama ang lagay ng Nanay niya na nasa hospital ngayon.

 

 

Hinihiling niya sa korte na sana payagan siyang makadalaw sa Nanay niyang malubha ang kalagayan.

Sana this time payagan siya ng korte, sana hipuin ang puso ng judge para pumayag. After all lahat tayo may mga Nanay na minamahal.

 

Magdadasal,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *