Senator Bam, Ramdam ang Hirap ng Mamamayan

Dear KaPAB,

Alam ko, sobrang hirap na ang dulot ng DUTERTE TAX LAW o TRAIN.

Ang taas na ng mga bilihin, halos ang P500 pesos hindi na kasya sa isang araw na budget. Tapos ubos na rin ang bigas na NFA.

After nasolusyonan ni Senator Bam ang problema sa nakaw na load,

At yung refund sa mga tuition fee noong second semester.

Ngayon, nilalakad na naman niya na maibsan ang hirap natin sa TRAIN.

May panukala sya na ireevaluate ang TRAIN, kasi ramdam niya na nahihirapan ang mga tao sa sobrang taas ng mga presyo ng bilihin.

Mga KaPAB, tulungan natin si Senator Bam na kalampagin ang mga kasamahan sa senado na masuportahan ang panukala ni Senator Bam. Medyo makakaluwag luwag sa atin to, kung sakaling magtulungan ang mga senador at bawasan ang excise tax.

Alam ko sobrang paninira ng mga bloggers kay Senator Bam. Pero sa hirap na dinadanas natin ngayon, si Senator Bam ang gumagawa ng paraan na kahit papano mapagaan ang ating dinadala.

Sabi nga, sa huli, lalabas at lalabas pa rin kung sino ang tunay na may malasakit sa bayan. Salamat kay Senator Bam.

Tuloy ang Laban,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *