Senator Bam: Hindi Na Makatarungan Ang Pagtaas ng Presyo

Dear KaPAB,

Hindi naman natin maikakaila na sobrang pahirap talaga ang TRAIN. Mula sa pagtaas ng presyo sa mga basic services hanggang pagtaas ng basic products, ultimo noodles ay tumaas na rin.

Bumaba si Senator Bam Aquino sa taong bayan para makinig sa kanilang hinaing.

Yung mga ordinaryong mamamayan ang nahihirapan.

Maaari nga naman ang mga may trabaho ay tataas ang take home pay may pansalag kahit konti sa pagtaas ng presyo. Pero si Mang Siming na tricycle driver wala po, pero pinapasan niya din ang pagtaas ng presyo ng bilihin.

Bawat hinaing ng taong bayan pinakinggan. Kaya nagpasa siya ng isang bill na kahit papano maiibsan ang hirap ng mamamayan. Eto ang SBN 1798. Naglalayon ito na irollback ang excise tax ng langis.

Tama si Senator Bam, sa ating bansa na halos lahat ng produkto may transportation cost, pag irollback ang excise tax ng langis kahit papano mapipigilan ang pagtaas ng presyo.

Tapos minamadali ni Duterte ang TRAIN 2. Dagdag pahirap ito sa mamamayan na naman. Kung mahal ng pangulo ang taong bayan, pirmahan niya ang SBN 1798 na panukala ni Senator Bam.

 

Sa panahong hirap na ang bayan, kahit papano nakakapawi ng pangamba na may kakampi tayo sa senado sa katauhan ni Senator Bam Aquino.

Supporter ng SBN 1798,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *