Senator Bam Aquino, Nanawagan Para sa Refund ng nga Estudyante

Dear KaPAB,

After tayong tinulungan ni Senator Bam sa mga cellphone load na nawawala sa atin dahil sa promo ng mga telco.

Ngayon naman inaasikaso niya ang pagrefund ng mga binayaran ng mga estudyante noong second sem.

Tama naman po sya na may sapat naman pong pondo, bakit hindi irefund sa mga estudyante ang kanilang binayaran noong second semester ng 2017?

Sa panahong halos tumataas ang mga bilihin, malaking bagay to sa mga magulang na todo higpit sinturon para lang makapag -aral ang mga anak.

Buti na lang kahit anong paninira ng mga blogger kay Senator Bam, hindi sya napapagod magkalampag para ipaglaban ang mga benepisyo na dapat ibigay sa mamamayan.

Pag nagtatrabaho sinisiraan ng mga blogger ni Duterte, pero si Aguirre na ilang beses nang pumalpak, wala silang ginagawa.

Pilit man nilang siraan si Senator Bam Aquino, hindi nila maikakaila na ang mga bill na naisabatas niya ay malaking tulong sa ating mga mamamayan ngayon.

Hindi fake news yan kasi nakalagay na yan sa website ng Senado.

Balikuin man ng mga trolls ang katotohanan, hindi nila mababago ang tunay na kasaysayan.

Patuloy tayong maging mapagmatyag kung sino ang tunay talagang nagtatrabaho para sa bayan.

Isang Mulat na Mamamayan,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *