Senador na Gustong Piringan ang Hustisya?

Dear Senator Gordon,

Nakita na ng taong bayan kung anong klaseng pagkatao meron kayo.

Pangalawang beses niyo nang hinawakan ang SENATE BLUE RIBBON COMMITTEE CHAIRMANSHIP.

Nong panahon ni Arroyo, hinawakan nya yung ZTE NBN deal at pilit nyong iniwas na madiin ang dating pangulong Arroyo.

Noong isang taon iniwasan at pinalampas din nyo ang pag-imbestiga ng mga patayang nangyayari o EJK. Ilan na po ba ang mga biktima? Libu-libo na po ang mga napatay at pinatay at nakakalungkot dahil hanggang ngayon wala pong nakakuha ng hustisya. Buhay pa sana ang libo libong biktima kung ginampanan niyo lang ang trabaho niyo ng tama.

Yong iskandalo po sa Bureau of Immigration na kinasangkutan ni Jack Lam at SOJ Vitaliano Aguirre binalewala at pinalampas nyo din po . Wala kayong nagawa sa corruption. Wala kayong kwentang Chairman.

Ngayon naman sa pumutok na 6.4 billion SHABU shipment, dawit ang pangalang PAOLO PULONG DUTERTE at MANS CARPIO, pilit iniiwas at nililihis na naman ito. Binalahura at tinakot niyo ang testigo. Kitang kita sa hearing kung paano kayo naging abogado ni Polong Duterte.

As Chairman dapat sana wala kayong pinapanigan pero hindi ganun ang nangyari. Nakakahiya po kayo doon. Tapos ngayon magfafile kayo ng ethics complaint kay Senador Trillanes?  Just because he is man enough na ipaglaban ang katotohanan?

Wala kayong konsensya!  Ang loyalty niyo dapat sa mga Pilipino at hindi kay Duterte. Hinalal kayo ng bayan para sila ay pagsilbihan.

Tapos ngayon inaaway niyo ang China, pero pinagtatakpan niyo ang anak ng Presidente?

Nakakahiya kayo. Pinatunayan mo lang kung gaano ka kayabang at kaduwag sa pagfile ng ethics complaint kay Senador Trillanes . Duwag ka, hindi mo kasi kaya si Trillanes sa laban na patas. Kitang kita ng mga tao kung gaano ka kabalahura noong nakaraang hearing.

Porke tinawag ka na next president ni Duterte, nagpabibo ka ka agad?  Pwes ngayon palang mag kapitan ka na lang sa barangay niyo kasi bistado na ng taong bayan kung anong klaseng senador ka.

Kahit nga barangay kapitan hindi ka karapat dapat. Barangay tanod na lang, or president sa PTA at least dun wala kang witness na masisindak at mababastos!

Bawat buhay na nawala dahil sa EJK ay dadalhin mo sa konsensya mo. Sana multuhin ka nila gabi-gabi.

Galit sa Balahurang Walang Leeg,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *