Secretary Diokno is a Joke No?

Dear Secretary Diokno,

Nang pinili po kayo ni President Duterte na maging member ng gabinete niya, sabi ko sa sarili ko baka good choice po kayo, kasi nagsilbi kayo kay Cory Aquino then kay Erap. Tapos yung mga school na pinanggalingan niyo po mga bigatin. John Hopkins University and University of the Philippines.

Nabasa ko po ito na sinabi niyo po nung nakaraang araw.

Sabi niyo po peso depreciation will benefit OFW.

Sige simplehan natin ang pag intindi. Take for example si Mang Juan na ang asawa ay nasa Middle East, siya ang nagbabantay sa 3 anak na nag aaral. Nang bumagsak ang piso ang dating padala ng asawa niya 18000 ay naging 20,000 na. Tumaas nga. Palakpakan ang mga OFW.

Dati $1 = P46, ngayon $1=50. Pag bumibili tayo ng langis sa world market ang gamit natin ay dollar. Halimbawa kung ang isang galon ay $50, nung P46 palang ang palitan ang halaga ng langis ay P2300 per gallon. Ngayong bumagsak ang piso ang halaga na ng langis ay P2500. So ibig sabihin ipapasa ng mga negosyante ng langis ang pagtaas ng presyo sa consumer. Pag tumaas ang presyo ng langis, tataas ang pamasahe, tataas ang bilihin, lahat magtataasan kasi tataas ang transportation cost lahat ng goods.

Ngayon si Mang Juan kailangan dagdagan na ang baon ng mga anak, kasi tataas na ang pamasahe. Tapos pagpunta niya sa palengke kakarampot na lang ang kanyang mabibili sa 1000 na pamalengke kasi nagtaasan na ang presyo ng bilihin. So tell me, Secretary Diokno,  naka benepisyo nga ba ang mga OFW o nalugi pa?  Take note po ha, hindi pa implemented ang plano niyong excise tax at remittance fee tax nila.  Paano na lang kung naimpliment na. Makukuba si Mang Juan sa pagbabudget ng pera na pinapadala ng asawa niyang ginagawa ng araw ang gabi sa pagtatrabaho, para lang makapadala ng pera sa Pinas.

Sabi niyo favorable sa export sector at hindi na po tayo maging dependent sa loan. Parang may mali, kung totoo ang sinasabi niyo bakit niyo nilulubog ang Pilipinas sa utang sa China? Para saan ang mga inutang niyo kung totoo ang sinabi nyo na hindi na tayo maging dependent sa loan? Ano yun?  Etchos lang?  Wag ka nga. Niloloko niyo na naman kami eh.

Pinagtatakpan niyo ang butas na barko ng papel, eh mabubutas din yan kasi ramdam na ng mga tao ang palubog na ekonomiya. Try niyo pong pumunta sa palengke at pagkasyahin ang 1000 sa one week na budget. Tingnan ko lang kung hindi tumulo pawis niyo sa pakikipagtawaran sa mga tindera.

So  Sir Diokno para kayong Joke no? Nagpapatawa, hindi pa naman totally kalbo.

Yamot sa Sinungaling,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *