Secretary Cayetano, Kanino Ka Ba Talaga Kampi?

Dear Secretary Alan Cayetano,

Galit na galit ka kay Cong. Alejano at Senator Risa Hontiveros kasi tinatanong ka kung ilan na nga ba ang nafile mo na diplomatic protest.

Karapatan naman siguro ng taong bayan malaman yun di ba? Inaapi na ang mga mangingisda natin, hindi pa ba tayo iimik?

Sabi niyo nagfile kayo ng “silent protest”, sure ba kayo na narinig ng China? Baka sa sobrang silent kayo lang ang nakarinig.

Tinatanong ka lang kung ilan na ang nafile niyong protest ang labo ng sagot mo.

Dati sabi mo 50-100 protest tapos ngayon hindi mo na nabilang? Luh siya, pabago-bago ng statement. Ano ba talaga, Kyah. May mga nalalaman ka pang national security ekek.

Dami mong palusot. At saka balak mo mag joint exploration with China. Sana man lang pag nasa negotiating table ka huwag mong kakalimutan na Pilipino ka.

Seryoso? Eto ang starting proposition mo? Hoy, you don’t start negotiation sa baba. Sana man lang nagsimula ka sa 80-20 in favor of us kasi atin yan. Para kung baratin ka ng kanegotiation mo, you have a room pa to wiggle!

Minsan iniisip ko kung saan ka ba talaga kumakampi? Sa interest ng Pilipinas o interest ng China.

Yamot sa Traydor,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *