Secretary Cayetano, Intsik ka ba?

Dear Secretary Cayetano,

Ilang isla na po ba natin ang naipamigay nyo? Kasi after Scarborough shoal ay meron na namang umaaligid ligid sa Sandy Cay, a sandbar near Pag-asa Island (Thitu Island) in the West Philippine Sea (South China Sea) na mga Chinese vessel.

Ni isang sentence na diplomatic protest wala man lang kayong ginawa?

Alalahanin niyo ang sabi ni SC Carpio “It is the constitutional duty of President Duterte, and DFA Secretary Cayetano, to defend and protect Philippine territory. Both have vowed to the Filipino people that they will not concede a single inch of Philippine territory to China.”

Ang mahirap pa nito ayaw mong sabihin kung ano ang ginagawa ng limang  barko sa paligid ng Thitu Island. Kung talagang malinis ang hangarin nila bakit tinatago mo sa mga Pilipino ang lahat?

Naisip ko tuloy na baka itong shabu scandal na di umano ay galing sa China ay baka isang diversionary tactic lang habang sinasakop na ang mga isla natin.

Ayusin niyo naman po trabaho niyo!  Pilipino po kayo at hindi Intsik dapat proteksyunan niyo naman ang territoryo natin!

Yamot sa Traydor,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *