Aguirre Resign!

Dear Secretary Aguirre,

Huwag tayong maglokohan po. We both know kung ano ang nangyari sa pagpapalaya ng mga drug lords. Huwag niyo sa aming sabihin na hindi niyo alam at wala ding alam si President Duterte.

Una ang case napag desisyunan December of 2017. Resibo.

At sabi ng mga nakakuha ng kopya hindi niyo voluntary na binigay ang mga papel. Resibo.

So kailan niya balak ipaalam sa mamayan ang kalokohang ito.

Napaka importante ng kaso na to para hindi niyo malaman. Eto pa ha, paanong hindi alam ng Presidente eh sya ang nagpromote ng prosecutor na humawak sa kaso eh. Resibo.

Eto ang totoong nangyari base sa report ng Rappler.

  • August 14, 2017 – Nagsimula ang preliminary investigation ng  Lim and Espinosa case.
  • September 21, 2017 – Duterte names Reyes Lucena City RTC judge.
  • November 22, 2017 – Reyes, along with prosecutors Roddan Parrocha* and Joan Guevarra Garcia*, drop the charges against former commissioner Nicanor Faeldon and other customs officials in relation to the P6.4-billion shabu shipment case.
  • December 20, 2017 – Reyes and fellow DOJ assistant prosecutor Michael Humarang dismiss the drug and conspiracy charges against Espinosa and Lim.
  • January 17, 2018 – Malacañang shares with the media the appointment paper of Reyes to the RTC.
  • February 2, 2018 – Reyes is administered his oath as RTC judge.
  • March 12, 2018 – Justice beat reporters get hold of the December resolution clearing the alleged drug lords.

Eto lang ha, December ang resolution ng case, tapos February nag administered pa ng oath si Presidente sa Judge na naghandle ng case, gusto mong sabihin sa amin ni isa sa inyo wala man lang nagbanggit sa presidente?

Kahit sinong director, hindi tatanggapin ang ang script niyo. Ang obsession ng presidente ay drugs, pero ang pinaka importanteng kaso ng drugs nakaligtaan niya? Ikwento niyo sa pagong ha. Wag kami.

Pag mga mahirap walang awang pinapatay, pag mga self-confessed drug lord at suspected drug lord na nasa drug matrix ng presidente, nakalaya at buhay? Grabe kayo.

Mabuti pa magresign na lang kayo. Kadiri mga to.

Yamot sa Sinungaling,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *