Secretary Aguirre, Bistado!

Dear Secretary Aguirre,

Bistado kayo sa maitim niyong plano no?  Tangengot kasi, extra large ang font ng cellphone.  Akala mo siguro makakalusot ka no?

Sa text mo na,

Ibig lang nitong sabihin na mas lumabo ang hustisya para kay Kian. At niloloko lang ng Presidente ang mga magulang na paparusahan niya ang may kasalanan. Alter ego ka ng presidente, so pareho kayo ng balak.

Gigipitin niyo sa kaso si Risa Hontiveros, para isuko ang mga testigo para manipulahin nyo.  Naturingan ka pa namang head of DOJ pero ikaw mismo ang fixer ng hustisya. Nakakahiya kayo. Hindi na kayo naawa kina Kian at Carl.

Binabalahura si Senator Risa ng mga troll kasi tinutulungan niya ang mga testigo. Tapos ikaw inaayos mo ang pagkaso sa kanya? Hindi lang pala buhok ang wala sa inyo eh, pati puso at konsensya!

Habang ikaw ang nandiyan walang hustisya nang darating para kina Kian, Carl, Kulot at sa mga iba pang biktima!

Sana ang dumating ang karma mo. Sana magkaroon ka ng sangkaterbang balakubak!  Hindi ka lang fake news king,  manipulator at fixer ka pa!

Yamot sa Balahurang Kalbo,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *