Sawsaw Suka, Matira Tanga!

Dear Robin Padilla and Mayor Richard Gomez,

Hindi ko alam kung matatawa ako maiinis sa mga hirit niyong dalawa. Para kayong kambal na ewan eh. Unahin kita Mayor Goma, you posted this.

Hindi ko alam kung nanood kayo ng hearing or mahina lang talaga kayo sa comprehension. Sa tingin mo po yan ang tattoo ng triad?  Mukhang dragon ba yan? Luh sya oh, mukhang tanga lang. May sinabi ba doon, na lahat ng may tattoo ay member ng triad? Nakisawsaw sa isyu, wala namang alam. Wag mong kalimutan ang pinag-aralan mo para makasipsip lang. Nagmumukha kayong walang alam eh.

Ikaw naman Sir Robin Padilla, sabi mo na ang Dragon Tattoo mo ang syang naging dahilan kung bakit hindi ka nakalabas ng bansa. Sabi mo pa

“Sa hindi maipaliwang na pangyayari ay hindi ako makakaalis ng bansa dahil ako ay may hold order sa Bureau of Immigration. Napakagulo ng naganap na ito sapagkat noong ako’y conditional pardon lamang kailanman ay hindi ako nagkaroon ng suliranin sa pag-alis ng Inangbayan pero ngayon na absolute pardon na ako ay ngayon pa ako nabiyayaan ng hold order ng BI.”

Sinungaling! Ayan po nag isyu ang Bureau of Immigration na they never issued a hold departure for you.

At saka di ba, kasama ka sa junket sa Russia?

Tapos dumiretso ka pa nga ng  Netherlands  to meet Joma Sison?

So saan ang hold departure order na sinasabi mo?

Ang hirap sa yo, sa kagustuhan mong makasipsip at makisawsaw sa isyu, kayang kaya niyong magsinungaling at paglolokohin ang mga tao!

Ang isyu dito ang tattoo ni Polong Duterte at ang 6 bilyon na shabu. Hindi kayo binanggit kaya wag kayong epal.

Pinagloloko niyo taong bayan!

Yamot sa mga Sawsawerong Tanga,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *