Sarswela ng SONA ni Duterte

Dear KaPAB,

Pag-usapan natin ang nangyari kahapon. Daming taong dumating sa Anti-Duterte rally di ba? Syempre nang malaman ni Duterte yun irita na siya.

Hindi niya alam na sa loob ng Senate at Congress ay may kaguluhan na nangyari.

Una nagtampo si Villar kasi hindi nakaupo.

 

Hindi puwede sa trip to Jerusalem si Ate, kasi pikon. 😂😂😂

Tapos sa lower house naman, may may niluluto palang pagpapatalsik kay Panty si GMA. Nagmeeting na pala ang mga Congressmen na ayaw na nila kay Alvarez. So habang sinundo ni Alvarez si Duterte, eto si GMA tumayo at nagsabi na may votes na siya to oust Alvarez. Pero ang ginawa ni Gwen Garcia ng Cebu ay sinara ang session.

Kaya si Lola GMA mo without the neck brace pinatayan ng mic. Parang nasa palengke lang na nagsisigaw si Atihhh!

Dumating na si Duterte, syempre nagulat siya sa gulo. Siya dapat ang bida sa SONA eh. Nasapawan siya ni Aling Maliit. Sabi ni Tito Sotto, muntik na daw mag walk out si Duts. Pinigilan lang. So ending si Panty pa din ang Speaker habang nagsosona si Duterte.

Pero wala ng excitement. Hindi na siya kapani paniwala. Konti lang ang pumalakpak.

Si Zubiri ang OA lang. 😂😂😂

Pero after ng SONA, nag stay ang mga congressmen para tuluyan ng mapatalsik si Alvarez, may problema uli. Nawawala ang mace. Ang mace ay gaya nitong hawak niya.

Ang tagal ng hanapan. Parang mga bata na may taguan ng gamit. Tapos hindi nagpalugi si GMA. Pinadeclare niya talaga na siya ang bagong Speaker of the House. Ayun, nganga si Alvarez.

Ano ang ibig sabihin nito? Nabastos nila ang moment ni Presidente. Wala silang respeto sa pangulo. Mahina na ang leadership ng PDP- Laban. Tunaw na ang supermajority.

Huwag tayong magugulat kung maging prime minister si GMA. Sneaky pa naman si Aling Glo.

Hay naku, Pilipinas, hindi na tayo natuto. Ninakawan na tayo, binaboy na ang electoral process tapos ngayon pinabalik niyo uli.

Sayang ang talent ni Bb. Joyce Bernal, hindi nagamit kasi hindi nasunod ang script. Madami kasing bida-bida.

Kawawang Duterte, natabunan sa sarili niyang SONA.

 

Patuloy na Magbabantay,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *