Paano po to Tatay Digong?

Dear Tatay Digong,

Kumusta po? Dapat po talaga kahapon pa po ako susulat sa inyo kaya lang ang daming ganap po talaga na mga balita.

Anyway po, kaya po ako sumulat kasi po itatanong ko po sana kung kailan po kayo mag reresign. Kasi di ba po sabi niyo dati lalabanan niyo ang corruption?

Sabi niyo po amoy palang, paktay na!

Paano po ito? Sabi sa hearing sa BoC sangkot daw po ang anak niyo. Eto po oh.

Tapos eto pa po.

Sangkot pala anak niyo sa suhulan. Di ba po sabi niyo noon naalala ko na, magreresign kayo if your children is corrupt?

So Tatay Digong, kailan po kayo magreresign?  Syempre duda din ako kung tutuparin niyo ang sinabi niyo, may pagka sinungaling din po kasi kayo. Dami niyo kayang pinangako na hindi natupad. So kung hindi kayo magreresign eh di wala po kayong delikadesa. Kayo kaya nagsabi niyan. 😒

Yamot sa Walang Isang Salita,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *