Salamat Gid, Iloilo!

Dear KaPAB,

Good news naman! Katatapos lang po naming magturo sa mga kabataan sa Iloilo para maging “Truth Warriors”. Nakakatuwa po kasi this is the second batch. Nakipag partner po kami sa Jaro Archdiocesan Social Action Center (JASAC) Iloilo led by Monsignor Meliton Oso.

120 participants, composed of church workers and scholars. Lahat po sila tinuruan namin po sila kung paano labanan ang fake news.

Nagkaroon po ng workshop at planning kung paano bilang isang Pilipino malalabanan ang fake news.

Nakakataba ng puso na ang simbahan at ang private sector like Fact Check PH ay kapit kamay para labanan ang kasinungalingan at fake news.

Hindi ito mga troll, mga Pilipino ito na mahal ang Pilipinas kaya pinipiling magsalita laban sa kasinungalingan.

Naikwento ko sa kanila ang karanasan ko as a blogger and fact checker, sabi ko sa kanila, basta nasa panig ng katotohanan walang dapat ikatakot.

Pagkatapos ng one day activity, they are already ready to fight fake news online and offline.

Sana yung ibang private and religious group ay maencourage din na mag-imbita sa amin to conduct workshop sa lugar nila.

Sama-sama nating labanan ang fake news!

Mabuhay ang mga Ilonggo! Next stop, Samar.

Patuloy na Lumalaban,

PAB

 

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *