Sagot sa Ngawa ni Glen Chong

Dear Glen Chong,

Hindi na kita tatawagin na Atty. kasi you don’t deserve that title kasi bastos ka. Sasagutin ko na lang po ang pinag ngangawa, issue base. Hinga muna malalim baka magwala ka naman.

Issue #1

Sabi mo,

Ang ipinakita ko sa hearing ay Part 1 lamang. The QUERY part. Hindi ko pa ipinakita ang Part 2. The TRANSMISSION part. I know how to wage my battle and I am not stupid to share it with you. Be that as it may, magpapadala lamang ang VCM ng QUERY kung may resulta na ito. At the point of Part 1, sa QUERY part pa lamang, may hawak ng resulta ang makina. And on May 8, 8.40 ng umaga, nang magpadala ng QUERY ang VCM sa Ragay, wala pang botohan. Bakit may resulta na siya?”

Inamin mo na what you presented last hearing was only for the “query part,” tapos dito parang you admit that it is not sufficient proof to show that indeed votes have been transmitted on May 8, a day before the election. Pero bakit sinabi mo sa presentation that this is your proof of early transmission eh query lang naman pala? Luh siya ano ba talaga?

Issue #2

“[M]agpapadala lamang ang VCM ng QUERY kung may resulta na ito.”

This is false. Fake news. The sending of the query is part of the Final Testing and Sealing, with or without the results. Two entirely different matters, non-sequitor.

Kung talagang may early transmission, dapat may audit logs ng CCS of the Municipal Board of Canvassers of Ragay. Ito ang magsisilbing resibo kung totoo ang pinagkukuda mo na may transmission of votes nga na nangyari noong May 8. Sige nga, present mo ang audit logs, aber? Wala kang maipresent na audit logs di ba? Ngangey!

Issue #3

Luh, there is nothing wrong with my brain. There is something wrong with your mouth Kyah.

Familiar ka ba sa word na “firewall”, Kyah? The firewall is opened only on election day and AFTER the voting has been closed. Yun ang mechanism that prevents premature or early transmission. So yung pinagkukuda mo, na transmission na May 8? Query yun, Kyah. Hindi transmission, wag kang ano.

Ipakita mo kasi ang audit logs ng machine. Ipapakita dito ang exact time the voting ended and when transmission was made.

The audit logs of the CCS can also show the exact time when the votes were received.

So kung totoo yang pinagkukuda mo, doon tayo sa audit logs para magkaalamanan na.

Issue #4

“8 taon na akong nagsusubaybay at masusing nag-aaral sa isyu ng dayaan. Ikaw, kahapon lang. Huwag naman maging sobrang ambisyosa ang bagong silang na matsing.”

8 years? Sa walong taong mong pagsususbaybay,  ni isang botong duling wala kang maipakita or mapatunayang nadaya? After 8 years, ang tanging nabasa ko lang sa case ay meron pa lang tao na sa kagustuhang may mapatunayan lang—handang magnakaw ng balota, i-tamper ito at magsinungaling sa harapan ng taongbayan. Devah, Kyah?

Issue #5

Trumpet of Sixto Brilliantes? Akala ko ba there is something wrong with my brain? Tapos ngayon I sound like the famous Atty. Sixto Brilliantes? Ano ba? Make up your mind, Kyah. And a lawyer calling me “bruha”? Hahahahaha! Pathetic.

Since you asked for it. Eto ang mga pumirma sa kaso mo.

Hindi ba ang majority ng 7 is 4? And check this out, nag-inhibit si Chairman Bautista not because of you but because of Tinting Cojuangco. Huwag kang ambisyoso. Ayan oh klaro sa notes.

At kaya hindi nakapirma si Commisioner Rowena Guanzon, hindi dahil sa ayaw niya but because she is on leave. Still 4 signature is enough for the Comelec to recommend to file information against you and your ilk.

Kahit pa si Commissioner Abas na lang ang natira, the case still there.

Issue #6

Pilit mong dinedeny na hindi ka connected kay BBM sabi mo hindi mo tinanggap. Eh ano to?

“Kusang loob akong tumutulong sa protesta niya”? Tapos sasabihin mo this is about clean election advocacy? Neknek mo! Magkwentuhan kayo ng amo mong basa ang kili-kili!

Oo nga pala nabasa ko tong slide Anatomy of Fraud? Slide number 35 yata.

You were the one peddling the alleged discovery of cheating in General Tinio, Nueva Ecija. Tapos sabi mo pa sa Joint Congressional Oversight Committee (JCOC) that this is your ultimate proof of cheating of the 2013 elections. Luh, anong kaso yun? Recount through a civil case involving the position of Senator?

Pero since mapilit ka po pinagbigyan ka ng JCOC? Resulta?

https://www.rappler.com/nation/69258-comelec-ballots-nueva-ecija-precint-tampered

Familiar word? May “tampering” na naman nakita? Ano ba yan?

Anyway, next time na mag-imbita ka ng trolls na gawin akong punching bag, make it sure muna na tama ang pinagkukuda mo.

Kyah, kalalaki mong tao humingi ka pa ng tulong? Hahahaha! Iiyak na yan, iiyak na yan!

Ayaw sa Tampering pero Madaming Pampering,

PAB

P.S. Tinawag mo akong matsing, tingin-tingin din sa salamin pag may time ha. 😂😂😂

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *