Sagasa kung Sagasa

Dear KaPAB,

Ramdam na ang pagtaasan ng presyo dahil sa pinirmahang TRAIN (Tax Reform for Acceleration and Inclusion) ni President Duterte. Lahat nagtataasan na. Isa isahin natin.

1. Para sa Class A at middle class.

Sa mga nagtatrabaho at pinipiling kumain sa S and R kasi unlimited soda, wag na pong umasa. Wala na po yun.

2. Para sa may mga sasakyan at may mga negosyo na gumagamit ng gasolina.

Higpit sinturon na po kayo. 3 pesos kada litro ang tinaas ng presyo. Si Kuya Lito na tricycle driver, maaabot pa kaya nila ang kanilang boundary? May maiuuwi pa kaya sya sa pamilya niya?

3.  Sa mga commuters na nakikipaghabulan sa jeep araw-araw.

4 pesos po ang magiging dagdag sa pamasahe. Dagdag allowance sa mga estudyante, bawas pamelengke sa mga Nanay.

4. Para sa mga sumasakay naman sa taxi.

16 pesos na po per km ang hinihingi, dati 3.50 lang ito. Mukhang maglalakad na lang talaga ang taong bayan.

5. Para sa mga may hinuhulugang PhilHealth. Tataas po ang kaltas sa inyo.

Bawas witholding tax, increase naman ang contribution.

6. Sa mga mahilig sa Uber at Grab

Kumusta naman, damay damay na talaga. May increase din sila.

7. Hello OFW, yung remittance niyo may dagdag na buwis din po. Mukhang lahat dinamay na ni Tatay Digong niyo ha.

8.  Para sa mga investment sa stocks, hindi po kayo ligtas.

Ano na? Mahal na bilihin, paktay pa negosyo.

9. Para sa mga mayaman na may dollar deposit.

Ang maapektuhan talaga nito ang mga OFW na nag iimpok.

10. Para sa lahat ng mga mamayang Pilipino?

Sa pagtaas ng gasolina at krudo magtataasan lahat ng bilihin. Basic goods and services sasabay pagtaas.

Paano na si Juan? Patay ang mamamayan sa tokhang. Patay pa sa karagdagang buwis.

Naaawa sa Bayan ko,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *